Maligayang pagbati sa inyong lahat, mga minamahal na taga-basa! Kumusta na ang inyong napakalamig na Pebrero? Tila hindi nararamdaman ng ating mga sumusunod na kaibigan ang lamig dahil sa init ng pag-ibig na kanilang tinatamasa ngayon!
Una sa listahan ay itong napaka-kisig nating miyembrong si D, na ayon sa mga chismax na kinakalat (nino? hindi siya malayo~) ay marami daw ang nagkakaroon ng ma-L na pagnanasa. Hmmm~ Hangang-hanga ako sa Adonis na 'to dahil kahit na tila marami ang nag-aalay ng kanilang mga katawan sa kaniyang harapan ay solid na solid pa rin ang kaniyang pagtingin sa isa sa ating mga dalagita. Biruin ninyo, parang di-mapakaling tuta ang kaniyang asta ng makita ang kaniyang tunay na pag-ibig nang minsan itong dumaan. Ohoho~
Nabuking na naman itong sina A at L, na bagama't hanggang ngayo'y nakalutang pa rin sa ere ang kanilang kalagayan ay nagbibigayan naman ng matatamis na mga mensahe sa isa't-isa. Lagi pa silang sabay umuwi! Hmmm lalala~ Alam kong sawang-sawa na kayo sa pagbasa tungkol sa kanila kaya hanggang dito na lamang ako~
Ang ating pinakamamahal na si S ay tila sigurado na sa kaniyang napili! Walang-duda, dahil hindi na yata sila nakikitang hindi magkasama ni Ohoho~ Madalas silang matatagpuan sa isa sa mga kalapit na pasyalan ng Unibersidad, kung nais ninyong magpaka-paparazzi at kumuha ng mga kapanapanabik na larawan~ Ingat lang kayo, dahil baka gamitan kayo ni S ng kaniyang matinding kapangyarihan.
Isa pang A ang bibihira na nating natatagpuan sa loob ng ating pinakamamahal na tambayan. Dahil nga kaya ito sa acads, o mayroon pang ibang dahilan? Ano, o sino, kaya ito? Ang masasabi ko lang, mahirap ngang umiwas, pero kung gusto, maraming paraan!
Tila hindi na rin natin mapipigilan ang umuusbong na pag-iibigan nina I at E. Kitang-kita ang kilig na nararamdaman ni E tuwing nakikita ang kaniyang katambalan tuwing ito'y napapadpad kay Minna-san. Sino kaya ang unang gagalaw? 'Yan ang dapat nating abangan, kyaaa!
Isa pang nakakakilig na kaganapan ay ang naganap nitong isa sa mga unang araw ng Buwan ng mga Puso! Gusto tuloy kumanta ng inyong lingkod ng "Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-ibig” nang nakita niya ang muling pagsasama nina N at A. Sadyang hindi talaga maiiwanan ang isa sa mga pinaka-una at pinaka-aabangang bokbokbok na 'to!
Isang threesome naman ang nabuo nang magkita-kita sina L, E at O sa isang lugar na madalas puntahan ng mga burgis at feeling burgis. May mabubuo kaya sa pagitan ng dalawa mula sa tatlong 'to? Magkakaroon kaya ng balikan? Hoho, hindi natin alam pero ito ang alam ko - madalas kong makita sina O at E na magkasama at sina L at E naman ay magkapiling halos araw-araw. Jennent!
Si Y at N, hindi ko na alam kung saan patungo. Mukhang nag-move-on na si Y, na sa ngayon ay nakatagpo na ng kaligayahan sa piling ni O. Si N naman, mukhang may sarili nang E na inaasikaso na mukhang nalilito sa pagitan ni E at ng isa pang naunang nabanggit. May pag-asa pa kaya silang magkabalikan muli?
Sina A at O naman ay walang tigil ang lampungan sa loob ni Minna-san! Ano ba naman 'yan, hindi man lang makakita ng kamang matutulugan! Laging makikita si A sa pagitan ng mga hita ni O o di naman kaya'y nakikipaglandian sa iba pang mga lalaki tulad nina S at O, kung saan ay may sariling lampungan ring nagaganap bagama't pareho sila ng kasarian. Tsk tsk, matinding kalibugan! Palibhasa'y mating season, kaya atin nang pagbigyan.
Punong-puno ng pag-ibig at lamig ang paparating na buwan, pero sana ay hindi natin makalimutan na hindi natin kailangan ang init ng yakap ng pagmamahal upang matamasa ang tunay na ligaya. Kung walang kayakap, nandiyan naman ang lalala~!
Wag na wag ninyo akong titigasan,
Bebeboy

- Mood:
amused - Music:Perfume - Take Me, Take Me